another day has passed...and yes, I am still dumb.

Tuesday, November 30, 2004

"Dalawang minutong paghihintay sa patapos na buhay"

Nilamon na ako ng panahon
Hinimok ng masalimuot na buhay
Itinapos sa basurahan ng mga mangmang
Pangarap na tinipo ay tinangay

Wala na siguro ang salita sa akin
Kinain na ng computer at pop-ups
Nilampaso nang browser hijackers at refund speadsheets
Nilayo na ng daily stat at stat rep

Hay, pelikulang hininga ng aking kaluluwa
Nasan na ang mithiing pinilit marating
Kasama na ba sa mga bulang sumabog sa init?
O iniwan na kagaya ng bata sa cental station

dalawang minuto na na lang tapos na naman ako
tapos na namang ang araw ng computer ar pop-ups
ng mgra browser hijackers at refunds
isang araw na naman ang natapos
sana lang hindi matapos ang pag-ibig ko sa pelikula
ang pagibig ko sa buhay...
hay...

Saturday, September 18, 2004

"nang mahulog ang salamin ni gene sa dancer in the dark"

na-praning na siguro ang brain cells sa utak ko
hindi ko alam pero bakit ganun ang feeling ko...
pelikula lang naman na walang koneksyon sa akin
pelikulang halos dugo na ang lumabas sa mga mata ko...
oo, pelikula lang...

pelikula na ipinako ang utak ko sa pangyayari.
pelikula na nakapagbuo ng mga tanong na:
"pano kung totoong may ganun?
paano kung isa naman siyang pilipinang ang nais lamang ay mapagamot ang mata ng kanyang anak?
paano kung kamag-anak ko yun o nanay ko yun?"

naisip ko rin naman na pelikula lang yun;
kathang-isip, imahinasyon,
paraan ng mag direktor at manunulat na mailabas ang kanilang mga saloobin o kagalingan...
para masabing may freedom of speech ang tao sa mundo...

pero iba ang gawang ito...
iba ang mensaheng naibigay nito saken...
mensaheng hindi ko makayanan...
nilamon na ako ng pelikulang ito...


minsan nga naisip ko
sana hindi ko na lang siya pinanood,
sana hindi ko na lang binili yung CD,
sana hindi na lang siya ginawa ni Lars von Trier,
sana hindi ko nalang nalaman...

misteryoso talaga ang mundo,

hindi mo alam kung paano ka bukas,
kung sino ka dati, at kung anong mangyayari sayo sa hinaharap...
kung ako kaya ang gagawa ng pelikula;
may maiimpluensyahan din kaya ako?
o, kakainin lang ako ng pelikulang ito hanggang pagtanda ko?

---------------------------------------------
para kay selma at sa mga babaeng katulad niya...


hello? Posted by Hello

iniwan na ako ng mga salita

hindi na ako makasulat,
hindi na makagawa ng mga tula,
ng mga maikling kwento, ng mga artikulo, ng mga love letter
nilayasan na nga yata ako ng pagsulat...

iniwan na ako ng mga salita,
tinakasan ng mga kataga,
tinanggihan ng mga inspirasyon,
inayawan ng buhay...

sana lamunin na lang ako ng lupa
kainin ng mga uod, daga at ipis.
maging multo sa malungkot at tahimik na sementeryo...
masunog sa sinasabing impyerno...

kung ang buhay isang tula;
sana lahat ng tao'y hindi kailanman mamamatay...
ngunit kung ang tula ay isa lamang buhay;
para ring taong, bukas, sa hinaharap, mamamatay...

hindi ko na alam ang susunod na linya...
siguro nga ayaw na sa akin ng tula
ng mga salita, ng mga kataga, ng mga insipirasyon, ng buhay...
sana lang bumalik na ang aking panitik...
sana lang bumalik na ang aking inspirasyon
sana lang bumalik na ang aking buhay....
sana lang, sana....

Thursday, September 16, 2004

O, ANO KA NGAYON?

nasan ka na ngayon?
kung maliitin mo ko nun para akong tanga...
ha! eh ikaw ano ng nangyari sayo?
di ba wala kang napala...


eh kung ako kasi pinili mo
eh di hindi ka na na mroblema...
kala mo hindi ako makakatapos noh?
Dahil gago ako nun?
Ha?


Eh, ikaw nakatapos ka ba?
Di ba hindi rin?
Di ba tinakasan mo ang pag-aaral dahil nakakita ka na ng taong magpapakain sayo noon...?
Nasan na kayo pareho?


Tang-ina, mahal na mahal kita nun
Tapos, wala lang....
Bigla ka lang may ibang mahal...
O, ano, nasan ka na ngayon?


Kung ako ang pinili mo at hindi ang babae mo...
E di sana masaya tayo!
E di sana hindi ka malungkot...!
E di sana may anak ka ngayong inaalagaan


Tang-ina,
sa dinami-dami ng mamahalin ko ng sobra...
sa tibo pa ko napunta.

by: holden caulfield
===================
para sa mga lalakeng umibig, umasa, nangarap,
sa babae...
sa tibo...